It’s Showtime Launches All-Female Group “GirlTrends”

83

Ipinakilala noong sabado Pebrero 13 ang bagong all female group na GirlTrends sa noontime program na Its Showtime.

Magiging bahagi na ng Its Showtime ang GirlTrends na mayroong 21 members na kinabibilangan nila Devon Seron, Mikee Agustin,  Jessica Marasigan, Kamille Filoteo, Maris Racal, Loisa Andalio, Karen Reyes, Chienna Filomeno, Erin Ocampo, Jane de Leon, Riva Quenery, Kelly Day, Leyana Magat, Krizzha Viaje, Mica Javier, Nikki Gonzales, Joana Jane Hipolito, Maika Rivera, Miho Nishida, Barbie Imperial at Dawn Chang.

Kapansin-pansin na maraming members ang grupong ito para nga ba makakuha ng suporta sa mga netizens online at talagang pag-uusapan sa social media.

Ito ngayong ang hamon sa bagong grupong binuo ng Its Showtime na GirlTrends na kung magtatagal sila sa telebisyon.

Matatandaan na bumuo din ng all female group ang Star Magic na Star Magic Angels na kinalaunan ay na waley sila dahil hindi gaano tinangkilik ng mga pinoy.

May mga komento din ang ilan viewers na halos hindi nagkakasabay-sabay sa pagsasayaw ang grupong GirlTrends, ang dahilan nga ba nito ay sobrang dami nila.

Abangan ang latest happenings sa grupong GirlTrends sa noontime program na Its Showtime.